Sa Tagalog

Proseso ng Muling Paghahati ng Distrito sa County ng Mariposa

Sa bawat ampung taon, gumagamit ang mga lokal na pamahalaan ng bagong census na datos para muling iguhit ang mga hangganan ng kanilang distrito upang maipakita kung paano nagbago ang lokal na populasyon. Hinihingi ng Assembly Bill 849 (2019) sa mga siyudad at bansa na makipag-ugnay sa mga komunidad hinggil sa proseso sa muling paghahati ng distrito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pampublikong pagdinig at/o mga workshop at paggawa ng pampublikong paglilingkod, kabilang ang mga komunidad na hindi nagsasalita ng Ingles.

Ano ang muling paghahati ng distrito?

Sa bawat sampung taon, dapat na muling iguhit ang mga distrito para ang bawat isa ay may parehong dami ng populasyon. Ang prosesong ito, na tinatawag na muling paghahati ng distrito, ay mahalaga sa pagtiyak na ang bawat miyembro ng lupon ay kumakatawan sa halos parehong bilang ng mga nasasakupan. Sa Mariposa, ang Lupon ng mga Tagapangasiwa ay responsable as pagguhit ng mga pinangangasiwaang mga distrito.

Ginagawa ang muling paghahati ng distrito sa pamamagitan ng datos ng U.S. Census, na inilabas bandang Marso 31, 2021. Para sa County ng Mariposa, ang proseso ng muling paghahati ng distrito ay dapat nakumpleto ng Disyembre 15, 2021.

Bakit mahalaga sa akin ang muling paghahati ng distrito?

Tinutukoy ng muling paghahati ng distrito kung aling mga kapitbahayan at komunidad ang pinagsasama-sama sa isang grupo upang maging distrito para sa mga layunin ng pagpili ng miyembro ng lupon.

Ang Lupon ng mga Tagapangasiwa ay maghahanap ng ideya sa pagpili ng susunod na mapa ng distrito para sa aming pinangangasiwaang mga distrito. May pagkakataon kang ibahagi sa Lupon ng mga Tagapangasiwa kung paano sa tingin mo dapat iguhit ang mga hangganan para pinakamabuting kumatawan sa iyong komunidad.

Maaari kang makipag-ugnayan sa Klerk ng County sa (209) 966-3222 upang makaalam ng higit pa kung paano gumagana ang proseso.

Ano ba ang hitsura ng kasalukuyang pinangangasiwaang mga distrito?

Makakakita ka ng isang mapa ng kasalukuyang pinangangasiwaang mga distrito ng County dito: [link se mapa]

Anong batayan ang gagamitin ng aming Lupon ng mga Tagapangasiwa kapag iguguhit ang mga hangganan ng distrito?

Sa lawak na praktikal, ang mga hangganan ng distrito ay gagawin gamit ang sumusunod na batayan: (1) mga distrito na magkakalapit sa heograpikal na paraan (bawat pinangangasiwaang distrito ay dapat may parehong border sa katabi nito), (2) ang heograpikong integridad ng lokal na mga kapitbahayan o komunidad ay igagalang sa paraang mapapaliit ang dibisyon nito, (3) ang heograpikong integridad ng lungsod ay igagalang sa paraang mapapaliit ang dibisyon nito, (4) madaling makilalang mga hangganan na sumusunod sa natural o artipisyal na mga harang (mga ilog, daan, highway, riles ng tren, atbp.), at (5) iguguhit ang mga hangganan upang humikayat ng pagiging siksik sa heograpiya. Dagdag pa, hindi iguguhit ang mga hangganan para sa mga layunin na magbibigay ng pabor o pagtatangi laban sa isang pulitikal na partido.

Paano ipapaalam ng aming Lupon ng mga Tagapangasiwa ang publiko tungkol sa muling paghahati ng distrito?

Makikipag-ugnayan ang Lupon ng mga Tagapangasiwa sa lokal na media upang isapubliko ang proseso ng muling paghahati ng distrito. At saka, gagawa kami ng taimtim na pagsisikap upang ipaalam sa iba't ibang uri ng mga grupo sa komunidad ang tungkol sa proseso ng muling paghahati ng distrito. Ang aming pampublikong mga pagdinig ay ibibigay sa naaangkop na mga wika kung maagang magsumite ng kahilingan ang mga residente. Ipapaalam ng Lupon ng mga Tagapangasiwa ang publiko tungkol sa mga pagdinigs, ng muling paghahati ng distrito, pag-post ng mga mapa sa online bago ang pagpapatupad nito, at gagawa ng web page na para lamang sa lahat ng nauugnay na impormasyon tungkol sa proseso ng muling paghahati ng distrito.

Paano ako makakalahok?

Magsasagawa ang Lupon ng mga Tagapangasiwa ng [hearings] o [workshops] [mga pagdinig] o [workshop] para tumanggap ng ideya mula sa publiko kung saan dapat iguguhit ang mga hangganan ng distrito. Ang mga pagdinigs na ito ay gaganapin sa:

Pagdinig sa Publiko #1
Petsa: Martes, Hunyo 8, 2021
Location: Center ng Pamahalaang ng County, 5100 Bullion Street, Mariposa, California
Hour: 2:00 ng hapon

Pagdinig sa Publiko #2 (Espesyal na Pagpupulong)
Petsa: Sabado, Hulyo 10, 2021
Location: Center ng Pamahalaang ng County, 5100 Bullion Street, Mariposa, California
Hour: 10:00 ng umaga

Pagdinig sa Publiko #3
Petsa: Martes, Setyembre 14, 2021
Location: Center ng Pamahalaang ng County, 5100 Bullion Street, Mariposa, California
Hour: 2:00 ng hapon

Pagdinig sa Publiko #4 (Espesyal na Pagpupulong)
Petsa: Lunes, Nobyembre 1, 2021
Location:  Center ng Pamahalaang ng County, 5100 Bullion Street, Mariposa, California
Hour: 6:00 ng gabi

Pagdinig sa Publiko #5
Petsa: Martes, Nobyembre 2, 2021
Location:  Center ng Pamahalaang ng County, 5100 Bullion Street, Mariposa, California
Hour: 2:00 ng hapon

Maaari ka ring magsumite ng pampublikong mga komento, pati na ang iminungkahing mga mapa, sa pagpapadala ng email sa: redistricting@mariposacounty.org

Saan ako makakakita ng higit pa?

May pinapanatiling webpage ang Lungsod tungkol sa proseso ng muling paghahati ng distrito dito: www.mariposacounty.org/redistricting